Gusto mo ba malaman kung sino ang tumitingin sa iyong FACEBOOK Profile? Here's How to Find Who All Visited Your Profile
'Diba halos lahat naman tayo ay gustong malaman kung sino ang madalas na tumitingin sa ating Facebook Profile. Paano kung sabihin ko sa iyong may mga paraan para malaman kung sino sino ang mga stalker mo?
Yes! Tama ang nabasa mo, pwede mo malaman kung sino ang mga huling nag-visit sa Facebook Profile mo. Hindi nga lang malalaman ang oras ng pagbisita nila. Ang mga iOS user ay may paraan na para malaman ito sa pamamagitan ng "Privacy Settings". Pero kung hindi ka iOS user o android ang gamit mo na device, maaari mo ito gawin sa desktop.
Para sa mga iOS user, makikita ito sa privacy settings. Kailangan lang na buksan ang Facebook settings at pumunta sa Privacy Shortcuts, at doon ay makikita ang “Who viewed my profile" na option. Available lamang ang ganitong option sa mga iOS user. Mula pa ito noong 2018 nang pasimulang ilagay ng facebook ang ganitong settings sa iOS pero hanggang ngayon ay wala pa ang ganitong option sa mga Android users.
Para malaman kung sino ang tumutingin o bumibisita sa iyong Facebook profile, kailangan lang na buksan ang Facebook.com sa desktop at mag-log in sa account. Pagkatapos magLog in, ay iright-click ang kahit saang parte ng kanilang home page at iclick ang “View page source" - dito magbubukas ang source code para sa Facebook home page. At sunod na gawin ay isearch ang “BUDDY_ID.". Kasunod ng “BUDDY_ID." tag, ay makikita ang 15-digit number. Ang 15-digit code na ito ay ang profile ID ng bawat Facebook friends mo na bumisita sa profile mo. Icopy ang 15-digit profile ID, at magbukas ng bagong tab sa browser at itype ang facebook.com/profile ID (15-digit code), at ipress ang ENTER. Mapupunta ka na ngayon sa profile ng facebook friend mo na bumisita din sa profile mo.