Lalaking NAWAWALA nang higit sa 20 taon, natagpuan sa pamamagitan ng Google Maps!

Lalaking NAWAWALA nang higit sa 20 taon, natagpuan sa pamamagitan ng Google Maps!


Ang Google Maps, ang isa sa mga pinakaginagamit na application sa mundo, ito ay sumusubaybay sa iyong lokasyon at patutunguhan. Ipinapakita nito ang mga distansya sa pagitan ng dalawang lugar, ang tinatayang oras ng pagdating o estimated time of arrival, at pati na rin ang mga kondisyon ng trapiko na umiiral sa iba't ibang mga kalsada ng isang lungsod o bayan.

Nagpapakita rin ang app ng mga real-time na kotse, bisikleta,  traffic signal lights mula sa iba't ibang mga lokasyon na nakunan ng mga 360-degree camera. Kaya malaking tulong talaga ito sa buhay ng tao.

Ang app ay madaling gamitin sa oras kapag ang mga tao ay naglalakbay o sinusubukang hanapin ang isang gusali o isang landmark. 

Pero alam mo bang ang Application na ito ay nakatulong sa pulisya na malutas ang isang 20 taong gulang na misteryo ng isang nawawalang tao?

Ang mga labi ng isang lalaki na nawala sa Florida higit sa 20 taon na ang nakakaraan ay natagpuan kamakailan sa isang nakalubog na kotse.

Nawala si William Moldt noong Nobyembre 8, 1997, at mula noon ay hindi tumitigil ang pulisya sa imbestigasyon para mahanap siya at malaman ang tunay na nangyari sa lalaki. Halos dalawampu't dalawang taon na ang lumipas noong 2019, isang manager ng isang housing development organisation ang nakakita ng isang lumubog na kotse sa isang pond sa Google Maps! At agad naman niyang inalerto ang pulisya.

Nang hilahin ng mga awtoridad ang kotse mula sa pond sa Wellington, Palm Beach, ang katawan ng isang tao ay natagpuan sa loob nito.

source: palmbeachpost.com

Sa tansya ng mga pulis, na ang kotse ay nalubog sa loob ng mahabang panahon. Ang nakuhang bangkay ay ibinigay sa medical examiner para sa proseso ng pagkakakilanlan.

Sinabi ng Sheriff ng Palm Beach County na ang nakuhang bangkay ay ay si Mouldt. Hanggang sa 2019, walang bakas sa kanyang kinaroroonan dahil ang lugar na kung saan natagpuan ang kotse na nakalubog ay dating isang site ng gusali.

Ang The Charity Project, isang online database na nangongolekta ng impormasyon sa mga lumang kaso, ay nabanggit na posible na makita ang kotse sa Google nang higit sa isang dekada.

Ang isang note sa kaso ay nagsabi na ang 'sasakyan ay malinaw na nakikita sa imahe ng satellite ng Google Earth ng lugar mula pa noong 2007.'

Ayon pa sa ibang ulat na si Moldt ay nagpunta sa isang nightclub noong gabi ng Nobyembre 7, at pagkatapos nito ay hindi na siya nakita.

Hindi man naisalba ang buhay ng lalaki ay naibsan naman ang pakiramdam ng mga kaanak nito at nabunutan ng tinig nang malaman na sa wakas ang nangyari sa kanilang mahal sa buhay.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Cookies Consent

This website uses cookies to offer you a better Browsing Experience. By using our website, You agree to the use of Cookies

Learn More