Paano Maglaro at kumita sa Splinterlands?

Splinterlands

Paano Maglaro at kumita sa Splinterlands?

Nauuso ngayon ang mga NFT games lalo na sa mga Pinoy Gamers. 
NFT means "non-fungible token" isang unique digital identifier na hindi maaaring palitan, at gayahin na nakarecord sa tintawag na "blockchain".
Axie Infinity

Isang halimbawa ng NFT games ay ang sikat na Axie Infinity, CryptoBlades at My Defi Pet. Maraming mga NFT games ang naglipana ngayon, lahat ay maari kang kumita ng tokens o crptocurrency tulad ng SPL(Smooth Love potion), reward na makukuha mo sa ranked battle sa Axie Infinity. 

Sino ba namang gamer ang hindi gugustuhing kumita habang naglalaro ng isang computer games? Hindi tulad ng traditional computer games, ang mga NFT games ay gumagana o nakarecord sa pamamagitan ng blockchain, tulad ng Hive, Tron, o Ethereum Blockchain, depende sa developer ng game.

May ilang NFT games na bumabagsak, mayroon din namang nagiging successful tulad ng mga nabanggit kanina. 

Isa sa pumukaw ng aking atensyon ay ang game na SPLINTERLANDS.Splinterlands

Katulad ito ng "Magic: The Gathering" at "Yu-Gi-Oh!" pero isang NFT game. 

Sa tulong ng Hive Blockchain gumagana ang Splinterlands. 

YES! Isa ngang card game ang Splinterlands, tulad ng Magic: The Gathering may iba't ibang cards na may iba't ibang abilities. Nakadepende ang pagkapano ng isang player sa kanyang strategy at familiarity sa cards ng kalaban niya. 

Pero bakit nga ba ako naglalaro at naginvest sa Splinterlands?

1. FUN

Sa una siguro hindi mo maaappreciate agad ang game na ito. Medyo nakakalito din kasi sa dami ng cards na pwede mong gamitin. Sa una ay mga Free cards kang magagamit aka "starter cards" kaya hindi mo kailangan bumili or mag rent ng cards para makapaglaro ng Splinterlands. Pwede mo muna subukang gamitin ang free cards para maging familiar ka.
Splinterlands

Sa katagalan ay maeenjoy mo ang game lalo kung mahilig ka sa mga strategy games. Katulad ng larong chess, parehas lang ang cards na gamit ng lahat ng players pero nakadepende ang pagkapanalo sa strategy at experience mo sa laro.

Tuloy tuloy din ang pag produce ng mga bagong cards ang mga developers, dahil nga ito sa tuloy tuloy din na pagdami ng players and accounts sa Splinterlands. Kaya nakakaexite din kung magkakaroon ng mga bagong cards, panibagong strategy, mas enjoy na game!

May iba't ibang version din ng mga cards. Alpha, Promo, Beta, Untamed, Guild, Dice at Reward. Every card ay may Gold Version din. Iba't ibang elements: Fire, Water, Earth, Life, Death, Dragon at Neutral. 
Splinterlands

2. INCOME

Para makapagopen ka ng account sa Splinterlands, kailangan mo muna magpurchase ng "spellbook" worth $10. Kung may Spellbook na ang isang account ay eligible na itong mag earn ng REWARDS.
Splinterlands
Maraming rewards sa Splinterlands;
 a. Ranked Battle rewards
 b. Daily Quest
 c. End Season Rewards
 d. SPS airdrop

Sa twing mananalo ka sa isang ranked battle(player2player battle) ay makakatanggap ka ng reward na DEC(dark energy crystal), ang official token ng Splinterlands. Sa oras na ginagawa ang blog na ito, ang presyo ng DEC ay ₱0.529712. Kaya kung nagkaroon ka ng reward na 10DEC ay kumita ka ng Php5.29.
Splinterlands

Sa twing mananalo ka ay tataas din ang rating at league mo. Kadalasan ay 20 ratings ang dagdag every win. Nakadepende din sa League kung gaano karaming DEC ang mabibigay sa iyo as a reward. May tinatawag din na ECR o energy capture rate. Dito nakadepende din ang dec reward per game na matatanggap mo. Halimbawa sa 100% ecr ay mayroon kang 30DEC per win, sa 50% ecr ay 15DEC na lang ang makukuha mo. 
May dagdag dec rewards din kung winstreak ka! Kaya mas sisipagin ka aralin ang game at kung ano ang magiging susunod na strategy mo dito. 

Daily Quest. Every 24 hours ay magkakaroon ang isang account ng Daily Quest. Depende sa system ni Splinterlands ang magiging quest mo. Depende din ang dami ng rewards na makukuha sa League ng account mo. Maaring Credits, DEC, Potions or Rewards Cards!
Splinterlands

Splinterlands

Splinterlands

End Season Rewards. Parehas lang sa Daily Quest. 1 season ay 15 days ang katumbas. Kaya Every 15 days, ay makakatanggap ka pa ng End season rewards. 

SPS Airdrop. Ang SPS ay ang "Splinterlands" ang official cryptocurrency ng game.(Yes, same name). Makakatanggap ka ng SPS airdrop daily depende sa "assets" ng account mo. 
Splinterlands

As of writing this post, ₱30.71 ang halaga ng isang SPS, kaya kung makareceive ka ng 1SPS per day ay mayroon kang 30SPS per month! Na may malaking potential na tumaas ang value tulad ng Axie Infinity na ₱6,117.03 ang pricce ngayon. 
Splinterlands
For full details on these airdrops visit THIS PAGE in the SPS Whitepaper.

Investor o Gamer ka man ay tiyak na magugustuhan mo ang Splinterlands!
Splinterlands


Post a Comment

Previous Post Next Post

Cookies Consent

This website uses cookies to offer you a better Browsing Experience. By using our website, You agree to the use of Cookies

Learn More