Paano makakapanood ng Anime sa Pilipinas sa LEGAL na paraan?
Maaarin bang makapanood tayo ng Anime sa Pilipinas sa legal na paraan?
Yes! Puwede! Kahit hindi available ang Funimation, Amazon Prime, Anilab, Crunchyroll at iba pa sa Pilipinas, madami pa ring paraan para makapanood ng anime sa legal na paraan.
Marami at mayroon tayong iba't ibang dahilan kung bakit tayo nanonood ng anime. Alam din natin na maliit lang ang sweldo ng ilang mga anime artist kaya hindi natin gusto na patulan ang mga piratang sites, una sa lahat, para makatulong na din sa mga taong nagbuhos ng effort sa pagproduce ng anime.
Sa blog na ito ay aalamin natin ang mga Legal na paraan para makapanood ng Anime sa Pilipinas.
Ani-One
Visit their channel here: Ani-One YouTube
Muse Asia
Muse Asia Youtube Channel: Muse Asia
IQIYI
Kung ayaw mo naman ng ads, ay meron din silang VIP Plan.
Animax Asia
Nagsimula pa noong 2004, ang Animax Asia ang longest-running anime-dedicated streaming services sa Asia! Sa Pilipinas, available ang Animax Asia sa Cignal Digital TV, G-SAT Direct TV, and Sky Cable. Bisitahin ang kanilang website para sa mas marming impormasyon www.animax-asia.com.
Iflix
Sunod sa Listahan ay ang Iflix, para sa Filipino viewers. Mayroon din silang Filipino at foreign dramas. Visit https://www.iflix.com/channel/1007?id=1007
Netflix Philippines
Makakapanood ka din ng ilang Netflix Originals, at halos lahat ng pinakapopular ng anime sa Japan ay available sa Netflix!
TrueID.PH
Ang True ID ay isang online platform ng digital content tulad ng news at ilang entertainment niches. Mayroon din silang ilang anime contents na tiyak magugustuhan ng mga Pinoy at magagamit ang platform nang libre!
Visit their website: trueid.ph at idownload ang kanilang mobile app
Anime Made by Bilibili
Isa ang Bilibili sa mga popular na mobile app pagdating sa anime contents. Mayroon din silang Youtube Channel na sinimulan noong 2020. Bilibili Youtube Channel.
WeTV Philippines
Ang WeTV ay ang international streaming services ng Tencent Video, isang Chinese media giant. Katulad ng Netflix at iQIYI, makakapanood ka din dito ng donghua.
Sa halagan P59 per month na subscription ay maeenjoy mo na ang mga paborito mong Japan at Chinese anime. Visit their website: www.wetv.vip/en
Local TV Channels
GMA7 at TV5. Dahil shutdown na ang ABS-CBN, sa GMA at TV5 na lang makakapanood ng free anime na may Tagalog dub.
Disclaimer: This is not a sponsored article