Nauuso ngayon ang mga "life hacks". Ang karamihan ay matagal ng umiiral pero kakatuwa din na hindi natin alam ang ilan dito. Isa na dyan ang paglalagay ng lemon sa freezer!
Marami sa atin ang hindi pa nasubukang gawin ito pero pagkatapos mo basahin ang blog na ito ay magababago ang pagtingin mo sa mga Lemons!
Kamangha-mangha ang mga Lemon
Hindi na katakataka na ang Lemon ang isa sa mga pinakapopular na prutas sa mundo. Kahit kaunting patak lang ng katas ng lemon ay kaya na bigyang buhay ang ilang lutuin at inumin.
Madalas din na ihalo ang Lemon sa ilang juice at alcoholic beverages.
Related Article:
Pagkain ng Lemon
Hindi kinakain ng direkta ang lemon dahil sa napakaasim na lasa nito. May ilang nilalagay ang lemon sa freezer dahil ang malamig na temperatura ay nagpapabawas ng maasim na lasa nito.
Alam naman natin na ang Lemon ay hitik sa Vitamin C, na tumutulong palakasin ang immune system ng tao at para labanan ang maraming infections.
May mga sangkap din ang Lemon na kayang tulungan ka makaiwas sa cancer, regulate blood pressure at maging sa mental health ay may pakinabang din ang lemons dahil matutulungan ka nito labanan ang stress at depression.
Balat ng Lemon
Ang dahilan ng pagkakaiba ng lasa ng frozen lemon at lemon na nilagay sa room temperature ay dahil sa level of acidity nito.
Ang Frozen Lemons ay binabawasan ang acidity nito kaya hindi msyadong maasim ang lasa. Bumabalik lang ang asim nito kung matutunaw na. Tandaan natin na ang balat ng Lemon ay naglalaman ng 5 hanggang 10 beses mas maraming bitamina kaysa sa lemon juice, kaya hindi dapat na itapon agad ang balat ng lemon.
Masarap ang lasa ng frozen lemons, tiyakin lamang na hugasan at linisin ito bago ilagay sa freezer.
Nagbibigay din ng kakaibang lasa ang balat ng lemon sa mga pagkain at inumin.
Ihalo lamang ang kinayod na balat ng lemon sa salad, ice cream, at maging sa spaghetti para maenjoy ang lasa nito. Siguraduhin lang na frozen ang balat ng lemon bago ihalo sa pagkain.
Maraming pamilya na ang gumagawa ng life hacks na ito. Kaya wag ka magpahuli!




