> Marami ang napabilib ng isang single mom nang siya ay sumugal sa isang negosyo ng pagbebenta ng skin care products sa puhunang P3,500 lamang!
> Aminado siya na hindi naging madali ang pasimula ng kanyang negosyo hanggang sa maabot ang tagumpay na naabot niya ngayon.
> Kumita siya ng P3 milyong piso na totoong bumago sa kanyang buhay
> Isang malinaw na patunay na kahit hirap sa buhay at isang single mom ay maaring umangat sa buhay kung tayo ay magsusumikap
Kahanga-hanga talaga ang isang Single Mom na si Vannerie nang magawa niyang palaguin ang kanyang P3,500 na puhunan at ngayo'y kumikita na siya ng tatlong milyong piso.
Madami ang pinagdaanan ni Vannerie lalo na sa kanyang anak na muntik nang bawian ng buhay.
Pero hindi ito naging hadlang para magsumikap at gumawa ng paraan para makaahon sa hirap.
“Habang buntis ako, muntik nang mamatay yung baby ko. Nung iniluwal ko naman siya pahirapan ang paghingi ng sustento at suporta kaya pinilit kong tumayo sa sarili kong paa."
Hindi siya nawalan ng pag-asa at nagpatuloy sa buhay.
Hanggang sa P3,500 na lang ‘yung natira kong pera nu’n.Naisipan kong isugal ‘yun sa pagbebenta ng skincare products.Naghanap ako ng distributor.At doon na po nagbago ‘yung buhay ko.Ngayon, kumikita na po ako ngayon ng mahigit tatlong milyong piso!Nakakaiyak talaga!
Bagaman hindi pa naipapalabas ang kanyang kwento sa programang Kapuso mo Jessica Soho, ay agad nag viral sa social media ang kanyang isnpiring na kwento.
Read Also: Pictures at Videos kung saan makikita ang mabubuting gawa ni Mang Boy viral sa social Media
Tags:
Stories