Pictures at Videos kung saan makikita ang mabubuting gawa ni Mang Boy viral sa social Media
> Sa pagpasok ng taong 2022, naging viral ang video ng isang retired police na nakilala bilang si Mang Boy,
> Kasunod nito ang paglabas ng maraming memes at parody sa social media.
> Umabot na din sa programang Raffy Tulfo in Action ang usaping ito dahil sa inireklamo siya ng nakaalitang kapitbahay.
> Isang netizen naman ang nagpost ng videos at pictures kung saan makikita ang mabubuting gawa ni "Mang Boy" para sa kaniyang kapitbahay
> Dapat daw na irespeto at igalang naman si Mang Boy at tigilan ang pagaalipusta sa social media.
Sa isang Facebook post ng isang Facebook user na nagngangalang Ferl Geronimo, ay ibinahagi niya ang ilang mga videos at pictures kung saan makikita ang mabubuting ginagawa ni Mang Boy sa kanyang mga kapitbahay.
Bakit Hindi Ito ang Naging Viral ? Di na Nakuhanan ng mga video, picture yung iba mo pang Ginagawang pag kakawang gawa noon Mang Boy. Grabe Pag mamahal Mo sa Mga Kapit Bahay mo Alam na alam nila yan Imbes na Mag celebrate ka tuwing Birthday mo kumukuha ka ng barbero para may pa libreng gupit sa ka lugar mo may pa tsinelas ka pa. Dahil ayaw na ayaw niyo ng may mga naka paa. Itong nag daang Pandemic imbes na isave niyo yung pera niyo ginagawa niyong mag asawa namimili para lamang may ma.ipamahagi sa mga kapit bahay. Yan Pala yung Pinag tatawanan, ginawan ng Memes may mga Parody Pa.