10-anyos na batang dating nagaararo, tuluyang nagbago matapos maitampok ang kwento sa KMJS

> Kinamustang muli ng team ng Kapuso mo Jessica Soho ang batang 10 taong gulang na nagviral at naitampok noon sa programa

> Simula kasi nang maitampok ang kwento ng batang ito ay bumuhos na ang tulong mula sa maraming taong may busilak na kalooban

> Sa mahigit na anim na buwan lamang ay nakabili na sila ng sariling bahay, mga sasakyan, tatlong kabayo, at sariling lupang sinasaka

> Tuloy tuloy din ang mga tulong na natatanggap ni Reymark para sa kanyang pagaaral kaya naman labis ang kanyang pasasalamat

Kapuso mo Jessica Soho Reymark
Ang batang si Reymark Mariano sa kanilang bagong bahay (Photo from Kapuso Mo, Jessica Soho) Source: Facebook

Nawala na ang mga luha sa mata ng batang si Reymark mula nang maitampok ang kanyang kwento sa KMJS

Si Reymark ang viral na batang taga Sultan Kudarat na nagaararo kasama ang kanyang kabayo na si "Rabanos."

Kapuso mo Jessica Soho Reymark

At makalipas nga ang halos kalahating taon ay nawala na ang lungkot at puro ngiti na ang makikita sa maamong mukha ni Reymark.

Lahat ng ito ay mula sa mga taong tumulong sa kanya mula nang siya ay nag viral sa social media

Labis niya itong ipinagpapasalamat kaya naman ang ilang mga biyayang natatanggap niya ay ipinamamahagi niya sa kanyang mga kapitbahay

Nagkaroon din siya ng Online Classes kaya ngayon ay natuto na din siyang sa wikang Ingles. Salamat sa natatanggap na tulong niya buwan buwan.


Ang kabuuang kwento niya ay mapapanood sa Kapuso Mo, Jessica Soho Facebook Page.


Read Also: Single Mom na may puhunan na P3,500 kumikita na ngayon ng P3 milyong piso ngayon!

Post a Comment

Previous Post Next Post

Cookies Consent

This website uses cookies to offer you a better Browsing Experience. By using our website, You agree to the use of Cookies

Learn More