Pulis na sinampal ng isang babae sa isang viral video, mas piniling magpatawad

> Humanga ang maraming Netizens sa isang Pulis sa isang viral video kung saan makikitang sinampal siya ng isang babaeng galit na galit
> Nagawang manakit ng pulis na nakaduty ang galit na galit na babae
> Ayon sa isang video na panayam kay Patrolman John Paul Sudario ng Traffic Enforcement Unit ng Santiago City Police Office, ay nakausap niya ang pamilya ng babae sa video
> Dito nalaman niyang may sakit ito sa pag-iisip at dumaranas ng depression, kaya nanaig sa kanya ang awa

Pulis sinampal ng babae viral
Screenshot from Manila Police District Dance Fitness Team 
Source: Facebook

Humanga ang nakaraming Netizens nang mag viral ang isang pulis kung saan sinampal siya ng isang babaeng galit na galit. Sa isang videong inupload ng Manila Police District Dance Fitness Team, makikitang nakikipagdiskusyon ang galit ng babae sa pulis at isang guwardiya.

Ayon pa sa isang video kung saan mapapanood ang panayam na ibinahagi ng PCADG Cagayan Valley, nanaig ang awa ni Patrolman John Paul Sudario ng Traffic Enforcement Unit ng Santiago City Police Office nang malaman niyang nakakaranas ng depression ang babae. 

Humingi na din umano ng tawad ang kapatid ng babae at nakausap pa niya ang mga magulang nito. Hindi na nagsampa ng kaso ang Mahusay na Pulis bagkus ay nagpatawad na lamang siya. At dahil sa pagtitimpi ng Pulis ay marami ang humanga sa kanya. 

Saludo ako sa iyo ,Sir. Yan ang tatak ng isa mabuting pulis at alam ko na itinuro sa iyo ng iyong superior.  "Mabuhay ka Sir at PNP na sasakupan mo."

Compliment para sa magulang nya.. Naging mabuting Anak at mahusay na pulis..isa sa dangal sa hanay NG kapulisan sana dumami pa kayo salute."

"Good job sir. Napaka buti po ng puso nyo, saludo po ako sa mga taong ganito hindi dahil my katungkulan po kayo dhil po nakita nyo ang totoong kalagayan, napaka lawak ng pang unawa nyo po sa kapwa."


Read also:  10-anyos na batang dating nagaararo, tuluyang nagbago matapos maitampok ang kwento sa KMJS

Post a Comment

Previous Post Next Post

Cookies Consent

This website uses cookies to offer you a better Browsing Experience. By using our website, You agree to the use of Cookies

Learn More