Ang Lagundi (scientific name: Vitex negundo) ay isang sikat na halamang gamot sa Asya lalo na sa Timog Silangang bansa tulad ng Pilipinas at India. Ginagamiot bilang halamang gamot at importanteng halaman sa "Ayurvedic and Unani systems of medicine".
Ang katas na nakukuha sa dahon at ugat nito ang sinasabing nagbibigay ng napakaraming benepisyo sa kalusugan ng tao. Ang Philippine Department of Health ay nagkaroon ng pagaaral sa Lagundi at napatunayang ang Lagundi ay nakapagbibigay ng mabisa at tiyak na benepisyo para sa kalusugan ng tao.
Scientific Name : Vitex Negundo
Also knows as:
Dabtan (If.) Dangla (Ilk.) Kamalan (Tag.) Lagundi (Ibn., Tag., Bik., P. Bis.) Liñgei (Bon.) Nigundi (Sanskrit/Hindi) Limo-limo (Ilk.) Sagarai (Bag.) Turagay (Bis.) Five-leaved chaste tree (Engl.) Huang Ching (Chin.) Agno-casto (Spanish)
Ang Lagundi (Vitex negundo) ay halamang gamot na patayo kung tumubo. May taas hanggang 5 metro. Madalas na makikitang tumutubo sa bansang India at Pilipinas.
Ang dahon ng Lagundi ay may 5 leaflets, bihirang may 3 leaflet lamang. Ang dahon ng Lagundi ay 4-10 cm ang haba, bahagyang mabuhok sa ilalim. Ang mga bulaklak ng lagundi ay kulay blue lavender.
Lagundi sa Traditional na medisina
Ang Lagundi o Vitex negundo ay tradisyonal na ginamit bilang herbal na gamot ng mga taga-Pilipinas at mga Indian. Pangunahing benepisyo sa kalusugan na ito ay upang mabawasan ang hirap sa paghinga. Karaniwang ginagamit ang Lagundi para sa paggamot ng mga ubo, sintomas ng hika, at iba pang mga problema sa paghinga.
Ang lagundi ay kilala sa kanyang "analgesic effect" na tumutulong taong hirap sa paghinga. Narito ang mga tradisyonal na benepisyo sa kalausugan na makukuha sa Lagundi:
Related Article:
Amazing Health Benefits of Papaya
👉 Ginagamit ang Lagundi para maiwasan at labanan ang pagdami ng bulate sa katawan
👉 Ginagamit ang Lagundi para lunas sa sakit sa balat tulad ng eczema, ring worm at iba pa.
👉 Ginagamit pang hugas sa sugat para sa mabilis na paggaling
👉 Ang Lagundi ay mayroong "analgesic function" na nakakatulong para lunasan ang rheumatism, muscle pain at pananakit ng kasukasuan.
👉 Ginagamit ang Lagundi para sa anorexia.
👉 Ginagamit para lunasan ang sakit sa tiyan tulad ng colic, spasms at indisgeston.
👉 Marami ang nagpapatunay na ang Lagundi ay mabisa laban sa high cholesterol.
👉 Ang Lagundi ay ginagamit din bilang "carminative herb"
Related Article:
11 Health Benefits of Lanzones
👉 Ang Lagundi ay pinaniniwalaang nagbibigay ng matalas na pagiisip at malinaw na mata.
👉 Ang Lagundi Tea ay nagaalis ng anxiety at nagbibigay ng relaxation.
👉 Ang mga katutubo o matatanda naman ay ginagamit ang dahon ng Lagundi para maitaboy ang mga lamok sa pamamagitan ng pagsusunog ng dahon nito.
Related Article:
Over14,000 Shopee Philippines Shoppers Love This Matcha Green Tea




