Sambong bilang Halamang Gamot | Sambong Health Benefits

Sambong Health Benefits

Ang sambong na may scientific name na "Blumea balsamefera" ay isang halamang gamot na napaka popular sa kalakhang bahagi ng silangan at hilagang kanlurang Asya.

Ang sambong ay matagal na ring ginagamit ng ating mga ninuno bilang bahagi ng tradisyon ng panggagamot tulad ng sa paglinis ng sugat, sakit sa baga, sakit sa tiyan, at maging sa gallstone.

Mabilis dumami ang halamang gamot na ito kaya sa ibang bansa ay tinuturing itong damo o peste dahil sa katangiang ito. Tumataas ang halamang sambong hanggang sa apat na metro.

Sambong Health Benefits
photo credithttps://bit.ly/3hJiV0A

Namumulaklak ito kung nasa hustong gulang na. Kulay dilaw na bulaklak na may sukat na anim na milimetro. Ang dahon ng sambong ay berdeng matulis na pahaba. Ito ay namumunga rin, isang buto sa bawat bunga ng sambong.

Pero paano nga ba nagagamit ang sambong bilang isang halamang gamot?

Ang sambong ay ginagamit bilang halamang gamot dito sa Pilipinas. Ito ay tumutubo sa mga bansa na may mainit na klima tulad sa Pilipinas, India, at Africa. Ito ay matatagpuan din sa mga bansang nasa Himalaya. 

Ang sambong ay mabisang halamang gamot dahil sa taglay nga nitong "blumea camphor" na ginagamit na panggamot sa bato, mga sugat, rayuma o arthritis, pagtatae, pulikat, ubo at sipon at highblood. 

Ang mga dalubhasa sa Pilipinas sa tulong ng gobyerno ay nakaimbento ng sistema ng paggawa ng mga produktong mayroong sambong na nasa tablet o capsule.

Related Articles:

Sambong Health Benefits

Ang sambong ay isang diuretic, ibig sabihin ay may kakayahan itong tulungan ang katawan mo na magproduce at magpalabas ng maraming ihi. Nakakatulong ang prosesong ito para malinisan ang iyong katawan at ang daanan ng iyong ihi. Nakakatulong din ito na maalis ang sobrang tubig sa katawan na maaaring maging sanhi ng edema o pamamaga.

Kaya mabisa itong lunas sa mga problema sa daanan ng ihi tulad ng urinary tract infection, bato sa bato at pantog.

Sambong Health Benefits

Sinasabi ng mga dalubhasa sa Philippine National Kidney and Transplant Institute na ang paggamit ng mga produkto na gawa sa sambong ay nakapagpapabagal ng paglala ng mga sakit sa kidney.

Kasama sa epekto ng pagiging natural na diuretic ng sambong, nakapagpapababa ito ng presyon ng dugo. Ang epekto nito ay maaaring maikumpara sa mga gamot na iniinom para pababain ang mataas na blood pressure.

Ang sambong ay isa ding antioxidant. Ito ay naglalaman ng mabisang mga ingredients para matulungan ang isang tao na makaiwas sa mga sakit may kinalaman sa dugo, mga ugat at puso. 

Sambong Health Benefits

Nakakatulong din ang mga produktong may sambong para maiwasan ang stroke at iba’t ibang uri ng kanser. 

Dahil sa ang sambong ay antioxidant, tulong din ito para makaiwas sa mga pinsala sa DNA na dulot ng free radicals.

Masakit ba ang puson mo dahil sa PMS?

Uminom lang ng tsaa na gawa sa sambong para malunasan ang pananakit at paghilab ng puson dahil sa regla. 

Pinasisigla ng sambong ang tamang pagdaloy ng dugo sa balakang.

Kung namamaga naman ang iyong lalamunan, pwede kang uminom ng sambong tea. Ang sambong ay matagal nang ginagamit ng mga Pinoy bilang pangmumog kung namamaga ang iyong lalamunan.

Gamot din sa mga sakit sa atay ang sambong.

Ang halamang gamot na ito ay nagtataglay ng mga sangkap na napatunayang nakapagpapabagal ng paglala ng liver cancer.

Sambong Health Benefits

Ang pag inom ng sambong tea ay nakapagpapababa ng mataas na lagnat. Pwede mo ring ihalo sa tubig na pamaligo ang tsaa para mas maging epektibo.

Kung nagpabunot ka ng ngipin at hindi nawawala ang pamamaga, magmumog lang ng sambong tea para mawala ang sakit at pamamaga.

Sambong Health Benefits

Mahusay din itong antibiotic, ang paglagay ng katas ng sambong sa sugat ay makapagpapabilis ng paggaling nito.

Marami nang mga produktong mabibili na may sangkap na sambong.

mabibili mo ito sa mga botika, tulad ng powdered at capsuled na sambong. 

May mga gumagawa at nagbebenta na rin ngayon ng sambong tea bags at tablets.

Madali lamang patubuin ang halamang sambong, maari mo itong itanim sa iyong bakuran para magkaroon ng maraming supply ng sambong para hindi ka na mangailangang bumili pa nito.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Cookies Consent

This website uses cookies to offer you a better Browsing Experience. By using our website, You agree to the use of Cookies

Learn More