Ang Guava o Bayabas ay 4x mas maraming Vitamin C kaysa Orange at 10x ng Vitamin A kaysa sa Lemon. Ang Bayabas ay isang kamanghamangha at masustansyang tropical fruit na siksik sa vitamins.
Ang prutas ay maaaring bilog, oblong, o hugis peras, na may maraming mga buto.
May iba ibang kulay ang buto nito depende sa puno, may puti, pink, dilaw at kulay pula. Kilala ang prutas na ito dahil sa matamis at maasim asim na lasa nito.
Pero pwede ito gamitin sa iba't ibang paraan at mayroong din mga medicinal uses.
Ang bayabas ay hitik sa vitamin C, at mayroon itong Vitamin C na apat na beses mas marami kaysa sa isang regular-sized na Orange. Sampung beses na mas maraming Vitamin A kaysa Lemon.
Ang maraming Vitamin C ay pumapatay sa free radicals at makakaiwas sa oxidation na nagdudulot ng mababang chance ng degenerative diseases.
Ang bayabas din ay mayaman sa Magnesium, potassium, folate, iron, vitamins B2 at E, calcium, copper, manganese, phosphorus at halos 70x mas maraming fiber kaysa orange.
Related Article:
- Lagundi Health Benefits
- Bawang o Garlic Health BenefitsHalamang gamot
- Bakit kailangan mo kumain ng Avocado?Avocado Health Benefits
Ayon sa mga eksperto, ang isang prutas ng bayabas ay mayroong ng mga sumusunod:
- 68 calories
- 14.3 grams carbohydrate
- 2.6 grams protein
- 228.3 mg vitamin C (381 percent DV)
- 5.2 mg lycopene ( 52 percent DV)
- 5.4 grams fiber (21.6 percent DV)
- 624 IU vitamin A (12.5 percent DV)
- 49 microgram folate (12.3 percent DV)
- 0.2 milligram copper (11.5 percent DV)
- 417 milligrams potassium (8.8 percent DV)
- 22 milligrams magnesium (5.5 percent DV)
- 40 milligrams phosphorus (4 percent DV)
Nakakamangha di ba?
Narito Ang mga heath benefits na makukuha natin sa pagkain ng bayabas.
Immune System
Ang mataas na levels ng Vitamin C ay nakakapagpalakas ng immune system, at pinoprotektahan ang katawan sa cell damage.
Cholesterol
Ang vitamin C ay tumutulong sa pag absorb ng Vitamin E, na nagdudulot naman ng mababang LDL Cholesterol at nagpapataas ng (good) HDL cholesterol.
Anemia
Ang mataas na Vitamin C content ay tumutulong sa pag absorb ng Iron at pag iwas sa anemia.
Digestive Health
tumutulong naman sa digestion ang maraming fiber at lunas din sa mga digestive infections, diarrhea at iba pang digestive issues.
Heart disease
Ang bayabas ay sagana sa potassium at dietary fiber na nagpapababa ng bad cholesterol at nagiimprove ng heart health.
Bone Health
Ang sodium, magnesium, calcum at phosphorus na nasa bayabas ay pampatibay ng mga buto.
Skin heath
Maiiwasan ang pagkasira ng balat kung kakain ng bayabas. Pati na rin ang pagkadelay ng premature aging. Dagdag pa ang vitamin C at vitamin A na nagboboost ng elasticity at firmness ng balat.
Eye Health
Ang carotenoids at antioxidants na nasa bayabas ay may kakayahan magimprove ng eye health, at makakaiwas sa pagdevelop ng katarata at macular degeneration.
Ang hinog na prutas ng bayabas ay mas malambot at mas mainam na kainin.
Pwede rin kainin ng hilaw, o gawin juic at idagdag sa smoothies.
Hindi lamang masarap na meryenda ang bayabas, puwede rin itong gamitin sa pagluluto, at gamitin bilang gamot sa sugat.
Pero kailangan kumain nang regular ng bayabas para makuha ang mga ganitong benefits.







