Proudly PINOY!!! Sandals na gawa sa Abaca, umabot hanggang Canada!

Zedric Zaragoza abaca sandals

Nagsimula sa maliit na puhunan at pangarap na makaangat sa buhay, si ZEDRIC ZARAGOZA, isa na sa mga umangat ang buhay sa pamamagitan ng sipag at tyaga!

Zedric Zaragoza abaca sandals

Ibinida ni Zedric Zaragoza sa kanyang Facebook business page ang kanyang "journey" sa pagiging negosyante. Siya ay nagbebenta ng mga sandals na gawa sa abaca! Hand-made ang mga ito at mapapansing ang mismong pangalan niya ay nakaimprinta sa kanyang mga produkto.

Zedric Zaragoza abaca sandals
Hand-made Sandals na gawa sa Abaca, kung saan nakalimbag ang kanyang pangalan bilang logo ng produkto

Napaunlakan pa nga siya ni Robin Padilla sa isang interview.

Zedric Zaragoza abaca sandals

Napaunlakan ako ng nag iisang binoy Mr. Robin Padilla ng isang 1 on 1 interview dahil sa aking produktong mga abaca. Ito ay kwento ng isang bata na nangangarap na iahon sa hirap ang kanyang Pamilya. Wala naman masamang mangarap diba? Hindi kasi kami pinanganak na angat sa buhay, kaya bata pa lang ako alam ko na sa sarili ko na dapat ako magsumikap.

Kahit kailan hindi magiging hadlang ang kahirapan sa taong may pangarap. Isa lamang itong pagsubok na dapat lagpasan upang makamit mo ang matamis na tagumpay. At syempre dapat katulong mo rin si Lord.

Nais ko lamang sabihin sa mga kabataan ngayon na tulad ko na hindi kasalanan ng magulang natin na pinanganak tayong salat sa buhay. Sapagkat kung ano mang mayroon ang magulang natin binibigay nila lahat sa atin hanggang sa wala ng matira sa kanila, ganun kasi ang magulang.

Ako ay nangangarap na sana magkaroon ng maliit na marka ang aking mga abaca sa industriya ng mga sapatos. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na darating ang araw na maisusuot din ng mga kilalang tao at personalidad ang aking mga abaca. At hihintayin ko ang araw na iyon. In God’s perfect time 🙏 

Also Read: Sipag at Tyaga! Isang Ama nagbebenta ng Handmade DustPan para kumita ng pera

Tunay na nakaka-inspire ang kanyang mga post sa kanyang Facebook Page, marami ang nagshare at nagcomment sa mga psot niya.

Ang ganitong kaisipan ay ang nararapat na taglayin ng mga nagsisimula pa lamang sa kanilang pinasok na negosyo. Kahit mahirap sa una, maging consistent lang at samahan ng tamang diskarte ay tiyak matatamo ang tagumpay!

Napakahusay dahil malayo na ang narating ng kanyang mga sandals na gawa sa Abaca! Mula Pilipinas hanggang sa Canada, Australia, Paris, Egypt, at maging sa Tokyo Japan!

SUPPORTSMALL BUSINESS” sabi nga nila when you’re supporting small business, you are supporting a dream.

Ako ay isang simpleng mamamayan na pinangarap iahon sa hirap ang aking mga magulang.

Isang taon na ang nakalipas mula ng inumpisahan ko ang aking maliit na negosyong abaca. Noong una walang bumibili, walang pumapansin sa aking produkto. Naniniwala kasi ako na bilang may-ari ng negosyo ako dapat ang unang maniniwala at magtitiwala sa aking mga obra.

Pinangako ko sa sarili ko na balang araw ay sisikat at makikilala rin ang aking brand ng mga tao. Akala ko dito lang maititinda ang aking mga obra, hanggang sa dumating yung araw na ibinebenta na ang aking mga abaca sa iba’t ibang bansa. Ang araw na aking matagal na inintay at pinangarap

Ni minsan ay hindi ko naisip na isosoot at gagamitin ng mga sikat na personalidad na tao sa Pilipinas ang aking mga abaca. At ultimo ang Mayor/Alkalde ng Alberta Canada ay bumili ng aking munting tsinelas.

Darating din ang araw na matagal mo ng inaasam, iniintay at pinagdarasal. Patuloy kang manalig at magtiwala sa Dyos, ibibigay niya yan magtiwala ka lang.

Ako si Zedric Zaragoza at taas noo kong ipagyayabang at ipagmamalaki sa buong mundo na matibay at dekalidad ang produkto ng ating bansang Pilipinas

Zedric Zaragoza abaca sandals

Zedric Zaragoza abaca sandals

Zedric Zaragoza abaca sandals


Zedric Zaragoza abaca sandals

Zedric Zaragoza abaca sandals

Zedric Zaragoza abaca sandals

Zedric Zaragoza abaca sandals

Zedric Zaragoza abaca sandals

Bisitahin ang kanyang Facebook Page at Instagram Account   

Facebook: https://www.facebook.com/ZedZaragoza/

Instagram: https://www.instagram.com/zedriczaragoza

Maaring bumili ng kanyang mga produkto sa kanyang Shopee Store 

Shopee Link

Also Read: Single Mom na may puhunan na P3,500 kumikita na ngayon ng P3 milyong piso ngayon!

Post a Comment

Previous Post Next Post

Cookies Consent

This website uses cookies to offer you a better Browsing Experience. By using our website, You agree to the use of Cookies

Learn More