Ceiling Fan, ginamit upang makalikha ng kuryente ang mga nasalanta ng bagyong Odette

> Halos isang buwan na ang nakalipas nang tamaan ng bagyong Odette ang mga probinsya sa Mindanao at Visayas, kasabay nito ang kawalan ng kuryente

> Hinangaan naman ng mga tao ang ginawa ng ilang kalalakihan para magkaroon ng alternatibong enerhiya para magamit.

Isang grupo ng kalalakihan ang nakaisip na gamitin ang mga ceiling fan para makalikha ng kuryente na magagamit nila sa pagpapailaw ng mga bumbilya sa gabi.

ceiling fan odette kuryente

Ito ay hango sa ideya ng windmill na umiikot ang kamay para magrecharge ang mga battery sa loob na maglalabas ng enerhiya na kayang pailawin ang mga bumbilya. 

Ikinabit nila ang mga ceiling fan sa itaas ng kanilang mga bahay para makakuha ng malakas na hangin para makagawa ng kuryente, at hindi lamang mga bumbilyang ilaw ang kayang pailawin nito, maging angmga cellphone ay kayang icharge gamit ang kanilang imbensyon.

ceiling fan odette kuryente

Humihinto lamang ang pagchacharge ng gadgets kung humihina o nawawala ang hangin na nagpapaikot sa mga ceilinng fans. Dahil hindi katulad ng generator na nilalagyan ng diesel, inconsisitent ang paggana ng ganitong aparato. Bagaman hindi tuloy tuloy na nagagamit, magandang paraan pa rin ito at alternatibong paraan para magkaroon ng liwanag sa loob ng tahanan.


Post a Comment

Previous Post Next Post

Cookies Consent

This website uses cookies to offer you a better Browsing Experience. By using our website, You agree to the use of Cookies

Learn More