Itanim ito sa Bakuran at loob ng bahay! Mga Halamang Kontra Lamok

halamang pang kontra lamok

Kasabay ng tag ulan ay ang pagdami din ng lamok. Kilalang carrier ang lamok ng iba't ibang sakit tulad ng dengue.  Kaya gumagawa tayo ng paraan para maitaboy ang mga lamok sa loob ng bahay natin. 

Pero ayaw naman natin gumamit palagi ng mga kemikal para maitaboy ang mga lamok dahil una sa lahat, masakit sa ilong. Pangalawa, toxic ang karamihan dito.

Kaya maraming tao ngayon ang nagtatanim ng mga halamang pwedeng gawing mosquito repellant. May pakinabang ka na, magandang libangan pa lalo ngayong quarantine. 

halamang pang kontra lamok

Karamhian sa mga insect-repelling plants ay may natural na amoy na ayaw na ayaw ng mga lamok kaya nilalayuan nila. 

Kung sawa ka na gumamit ng mga kemikal para maitaboy mo lang ang mga lamok, magtanim na ng mga halamang tampok natin sa blog na ito.

1. Lavender

halamang pang kontra lamok

Ang lavender ay may mabangong samyo na inaayawan ng ilang mga insekto maging ng mga alagang rabbit. Nagmumula ito sa essential oils na pinoproduce ng dahon ng lavender .

Ayaw na ayaw ng lamok ang amoy nito, sa katunayan ay ang lavender oil ay mabisang pang taboy ng mga lamok. 

Nabubuhay ang lavender kahit paiba iba ang klima, pero mas lumalago ito sa maaraw at mainit na lugar. Kailangan lang laging naaarawan at may maayos na drainage. 

2. Marigolds

halamang pang kontra lamok

Ang marigold ay madali lang patubuin at namumulaklak kada taon. Naglalabas ito ng amoy na nakakapagpataboy sa mga lamok. 

Maaaring itanim sa paso at ipwesto malapit sa pintuan o bintana para hindi makapasok ang mga lamok at ilang mga bugs. 

Maaari din idagdag ang Marigold sa garden na may mga tanim na gulay. 

Sinasabing hindi lang lamok ang naitataboy ng marigold, pati na rin ang ang ilang insekto na mahilig dumapo sa mga kalabasa, kamatis at beans. 

3. Citronella Grass

halamang pang kontra lamok

Kilala ang Citronella sa kakaibang amoy nito. 

Ang citronella grass ang pinakacommon na natural ingredient para sa pag gawa ng mosquito repellants.  Marami ang nagpapatunay na talagang mabisa ang citronella bilang pangtaboy ng lamok. 

Madali din itong patubuin at hindi nangangailangan ng malaking gastos. 

Nabubuhay sa mainit na lugar at pwede din itanim direkta sa sikat ng araw. 

4. Catnip 

halamang pang kontra lamok

Matatagpuan ang catnip o catmint sa halos lahat ng lugar, tumutubo itong parang damo. 

Napakadali nitong patubuin, sa kaunting panahon lang ay kaya na nitong sakupin ang buong garden mo.  Maraming mga experts din ang nagrerekomenda ng catnip bilang mosquito repellant.  Huwag mo nga lang hayaang papakin ng alaga mong pusa. 

5. Rosemary

halamang pang kontra lamok

Isa pang napaepektibong mosquito repellant ang rosemary.  Kilala ang rosemary dahil sa woody scent nito na nagtataboy ng mga lamok pati ang ilang insekto ng pumpepeste sa mga cabbage at carrots. 

Mahusay na magtanim ng rosemary sa maiinit at tuyo na lugar.  Napakagandang decoration din nito sa garden at pwedeng gawing borders para gawing design. 

6. Basil 

halamang pang kontra lamok

Ang basil ay kilala sa maanghang na amoy na nanggagaling sa dahon nito ng ayaw ng mga lamok. May iba't ibang uri ng basil na pwede mong pag-pilian para idagdag sa iyong garden. 

Kailangan ng basil na may mamasa masang lupa, dapat din may maayos na drainage, at direktang sikat ng araw. Pwedeng din itanim ang basil ng separate sa isang container. 

7. Scented Geraniums

halamang pang kontra lamok

Ang Scented geraniums ay sikat sa ibang bansa bilang pantaboy ng mga insekto. Ang malakas na amoy lemon nito ay nagtataboy ng mga lamok tulad ng citronella grass. Mabilis itong tumubo sa maiinit, araw, at tuyong klima. Pero kung nabubuhay ka sa malamig na lugar ay maaaring itanim ang Scented geraniums sa mga paso para madali alagaan. 

8. Bee Balm

halamang pang kontra lamok

Kung gusto mo maka attract ng mga bubuyog o mga paro paro habang pinapalayas ang mga lamok. Ang bee balm o mas kilala sa Monarda o horsemint ang halaman na para sa iyo. 

Durugin lang ang dahon nito para mag release ng mga fragrant oils. Maeenjoy mo pa twing summer ang makulay na mga dahon nito mayroong kulay pula, pink, lavender, puti at purple.

9. Mint

halamang pang kontra lamok

Ang mint ay napakahusay na nontoxic mosquito repellant. Mas maanghang na amoy, may nilalayuan ng mga lamok. Pwede mo itanim sa mga paso para madaling alagaan at para madaling pumitas ng dahon kung maisipan mong idagdag sa tinitimpla mong tea. 

Pwede din patuyuin ang dahon para macontrol ang mga peste sa loob ng bahay. 

10. Floss Flower

halamang pang kontra lamok
Attractive ang bulaklak ng halaman na ito. 

Mayroon itong taglay na coumarin,isang kemikal na tumutulong para maitaboy ang mga lamok pero nakakalason din kung makakain ng mga alagang hayop at mga tao. 

11. Sage 

halamang pang kontra lamok

Ang Sage o sa tagalog ay sambong. Mabisang pangtaboy ng lamok, ilagay lang sa apoy, at ang amoy ng usok nito ang magtataboy ng mga insekto sa paligid. Pwede ding patuyuin ang dahon para gamitin bilang homemade bug spray. 

Post a Comment

Previous Post Next Post

Cookies Consent

This website uses cookies to offer you a better Browsing Experience. By using our website, You agree to the use of Cookies

Learn More