Sikat na Social Media Influencer na si Xian Gaza, Nais bilhin ang lupang kinatatayuan ng punong manggang pinagpitasan ni Lolo
> Mabilis na nag-viral ang balita pagtungkol sa isang matandang pinakulong dahil ddiumano sa pagnanakaw ng mangga.
> Madami ang nagalit sa nagpakulong sa matanda dahil hindi daw makatarungan ang ginawa niya sa matanda.
> Nakaabot sa isang sikat na milyonaryong si Xian Gaza ang mga pangyayaring ito
Matapos mag-viral sa social media ang mga larawan ng isang 80-year-old na matanda sa bayan ng Asingan, Pangasinan na si Lolo Narding Floro, madami ang naging reaksyon mula sa mga netizens.
Nakulong kasi ang matanda dahil diumano sa kanyang "pagnanakaw ng mangga"!.
Ayon sa matanda a nais lamang niyang kumita ng pera sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga mangga. Pero hindi naging maganda ang mga sumunod na pangyayari. Kinasuhan kasi siya ng may-ari ng lupang kinatitirikan ng puno ng manggang kinunan niya ng bunga!
Ayon sa matanda ay tanim pa daw ng kanyang Ama ang puno ng manggang iyon kaya ang alam niya ay may karapatan pa rin siya na kumuha ng prutas ng puno.
Hindi naging maganda ang pakikitungo ng may-ari ng lupa sa matanda at ayon pa sa ibang source ay ilang beses na daw nagkaharap sa baranggay ang dalawa at sa puntong ito ay tinuluyan ng kinasuhan ang matanda.
Madami ang nagalit sa nagpakulong kay Lolo Narding hanggang sa umabot ang balita sa isang Milyonaryong si Xian Gaza.
Nais niyang bilhin ang lupang sinasabi sa kwento.
Sa isang post niya ay kanyang sinabing:
"Robert Hong, sino ba may-ari ng lupa na yan? Nasa abroad ba? Sa kanya nakapangalan? Ilang ektarya ba yan? Naka-SPA ka ba? Magkano per sqm? 100 pesos? 150? Bilhin ko na lang para wala ng issue sa lintek na puno ng mangga na yan."