Marami ang nagbago nang magkaroon ng pandemya. Apektado ang lahat ng mga tao sa mundo, marami din ang nawalan ng trabaho at pinagkakakitaan. Sa article na ito, ilista namin ang mga paraan para kumita ng passive income. Kumita kahit wala kang experience sa pagnenegosyo at kahit mahiyain ka pa! Ang kailangan mo lang ay laptop/computer at stable internet connection!
1. Affiliate Marketing
Kung ayaw mo mamuhunan ay maaari kang kumita sa pagbebenta ng produkto ng ibang seller. Just start an Affiliate Marketing Business. Meaning, magooffer ka ng products from Shopee or Lazada at kikita ka ng commission everytime na makabenta ka under your affiliate links!
If you have a huge number of followers sa Facebook, Instagram, Twitter or Youtube, why not na kumita ka sa pamamagitan ng affiliate marketing.
Pinakapopular sa South East Asia ang website na Involve Asia. Just sign up as an affiliate and wait a few days na maapprove ang account mo. you need to provide your identity and also your social media platforms. And Involve Asia din ang ginagamit ng ilang mga sikat ng Influencer para kumita bukod sa ad revenue.
Isa sa pinakasikat na marketplace na maaari mong ipromote ay ang Shopee at Lazada. Maaari mo ipromote direkta ang mga produktong makikita mo dito.
Learn more how to create an account in Involve Asia.
2. Blogging
Kung natural na writer ka o hilig mo magsulat ng articles, o isa sa mga hobby mo ay magbasa ng mga blogs, baka ito ang para sa iyo. Alam mo bang maraming tao ngayon ang kumita ng 5-6 figures per month sa paggawa lang ng blogs?
Katulad ng Tinig.site, ito ay isang uri ng blog.
Paano ka kikita dito? Maaaring mag apply sa google adsense para magkaroon ng "ads" ang blog mo. Maaari kang kumita ng pera dahil ikaw ang nagsisilbing "publisher" ng mga ads. Kung may mag click o makakita ng ads ay may income ka.
Kung hindi ka naman approved sa Google Adsense ay maaaring maglagay ng alternative ad platform sa iyong blog tulad ng Popads at Infolinks.
Create an account on Blogger, Wordpress or Wix to start a blog.
3. Online Selling
Kailangan mo lamang ay kaunting puhunan dahil wala ka ng poproblemahin pa sa pwesto ng tindahan mo o bayad sa sariling ecommerce website. Bilang Shopee o Lazada Seller, magiging ka-partner ka nila. Ang tangi mo lang gagawin ay magpost ng product listings sa kanilang platform.
Ang Shipping or delivery ng products ay sila na ang bahala, kailangan mo na lang gawin ay magpromote ng product links mo at iboost ang products mo araw araw. Bonus na lang kung mahilig ka sa Live selling dahil sa Shopee at Lazada ads pa lang ay marami ka ng maaaring maabot na potential buyers ng produktong binebenta mo.
4. Social Media Influencer
Marami sa kanila ang kumikita ng malaki sa pamamagitan ng ad revenue(google adsense), product promotions at marami pang iba. Katulad ng blogs, sila ang nagiging publisher ng advertisements instead na magbayad ang malalaking company sa malalaking TV Stations ay maaari na silang kumuha ng isang Social Media Influencer para ipromote ang produkto nila.
As an Social Media Influencer, you can promote also some Products as an affiliate tulad ng Involve Asia.
Also Read: The best Xiaomi phones in 2022 Philippines on Lazada and Shopee