>Viral ang litratong sa post ng isang Netizen kung saan makikita ang isang bata at kanyang Lolo na kumakain sa isang kainan
>Alamin kung bakit nga ba ito nagviral at ang kwento sa likod ng larawang ito na umantig sa puso ng maraming netizens
Nakakaantig ng puso ang isang kwentong isinalaysay sa Facebook post ni Jessica Absalon, isang vlogger nang kanyang masaksihan ang mag Lolo na sa isang kainan.
Ayon sa kanya, nais daw subukan ng bata na kumain sa kainang JK Samgyupsal Unli Korean BBQ upang maransan man lang ang samgyupsal.
Pero mukhang kulang ang dala nilang pera kaya babalik na lang daw sila para makapagipon ng pera.
Kasalukuyang namamasko ang mag Lolo at makalipas ang isang oras ay bumalik sila at sinabi ng bata: "Ate ito na po nakaipon na po ako subukan po namin ni lolo kumain"
Narito ang salaysay ni Jessica Absalon sa kanyang Facebook post
Joshua: Lo, try po natin dito kumain
Lolo: Anak, mag-ipon muna tayo mamaya makakapag ipon din tayo
Joshua: Sige lo, balik po kami mamaya diyan ate (mabilis niyang sinabi sa isang staff ni jk)
Hours after, medyo busy kasi sa store kaya hindi agad namin sila napansin, mag lolo sila na namamasko. Mga bandang 6pm bumalik sila dala dala ng bata ang 199 pesos na tig babarya para lang ma subukan ang samgyupsal.
Joshua: Ate ito na po nakaipon na po ako subukan po namin ni lolo kumain
Nilapitan ko nalang sila at pinalabasan ko nalang ng food para masubukan nila ng walang hinihinging bayad at dahil may natira ay pinatake-out nalang namin sila para may makakain pa sila pag-uwi nila ❤️
Got some realization mga sis na we are still very lucky kung ano man ang meron tayo ngayon, learn how to be contended and appreciate things maliit man o malaki bongga nayarn.