Ang lalaking Iniwan ang Buhay sa Siyudad at Nanirahan sa Gubat sa loob ng 27 na taon!
Mayroong isang lalaking nagtatrabaho sa siyudad ang umalis sakay ng kanyang nagiisang sasakyan papunta sa malayong lugar. Wala siyang anomang plano kung saan papunta, hanggang sa maubusan ng gas ang kanyang sasakyan, bumaba siya dito at nag lakad papalayo sa kabihasnan.Nang makarating siya sa lilib na lugar sa isang gubat sa America dito siya nag setup ng tent at namuhay sa loob ng 27 taon!
Iniwan niya ng buhay binata at kanilang tirahan para manirahan ng magisa sa gubat, bakit niya ginawa ito? at paano siya nakasurvive sa loob ng 27 taon nang magisa lang sa gubat?
Si Christopher Knight ay isang 20 year old na lalaking nagtatrabaho bilang isang installer ng home and vehicle alarm systems malapit sa Boston, Massachusetts. Walang pasabi ay nag quit siya sa kanyang trabaho, hindi alam ng boss niya ang dahilan, kinuha niya ang kanyang huling sweldo at umalis, nakalimutan pa nga niya ibalik ang tools na ginamit niya sa pagiinstall sa kakamadaling umalis.
Nagdrive siya sa East Coast ng America, kumakain siya sa mga Fast Foods na madadaanan niya at nagpapahinga sa mga mumurahing motel. Nag byahe siya ng ilang araw hanggang makarating siya sa Florida.
Kalaunan, ay bumalik siya at tumungo sa Norte ng America.
Habang nakikinig sa Radio ay nagsasalita si Ronald Reagan na kasalukuyang Presidente noon, nagdrive lang siya patuloy sa Georgia, Carolinas at Virginia. Kinakaya niya ang mahabang byahe dahil sa binata pa siya at may lakas pa.
Hanggang nakarating siya sa Maine, kung saan siya pinanganak.
Madali niya narecognize ang lugar dahil kakaunti lang ang mga kalsada dito at nakita niya ang dati nilang tirahan, at mga lugar kung saan siya lumaki at nagkaisip. Naisip niya, isa itong magandang pagkakataon para sulyapan sa huling pagkakataon ang lugar na mayroon siyang mga alaala.
Nagpatuloy siya sa byahe hanggang marating niya ang Moosehead Lake, ang pinakamalaki sa Maine, hanggang napunta siya sa isang remote area.
Nagdrive siya nang nag drive hanggang sa wala nang concretong kalsada para sa kotse niya. hanggang sa maubusan na siya ng gas.
Itinabi niya ang kotse at lumabas dito, iniwan ang susi at umalis. Mayroon siyang dalang ibang gamit, mga basic needs, meron siyang tent at backpack pero walang compass at walang mapa. Hindi niya alam ang patungo niya, walang particular na lugar sa utak nya na gusto puntahan, basta naglakad lang siya hanggang sa kaya niya.
Ilang araw ang lumipas ay patuloy pa rin siya sa paglalakbay, minsan humihinto siya sa isang lugar at kung nakakaramdam siya ng panganib ay umaalis din siya dala ang gamit niya, at hindi siya nagiiwan ng bakas.
Ang naging problema niya ay kung papaano siya kakain, naubos na ang mga pagkaing dala niya sa backpack at nagsimulang makaramdam ng gutom.
Marami naman siyang mahuhuling isda sa lawa at ilog na malapit sa kanya pero hindi pa niya naranasang manghuli ng hayop kung wala siyang dalang baril o pamingwit, hindi niya kayang mag hunt ng walang mga tools.
Hanggang sa paglalakad niya ay may nakita siya patay na ibon, siguro ay nabaril ito ng isang hunter sa malayo at hindi na nakita kung saan bumagsak. Wala man lang dalang posporo o lighter si Christopher kaya hindi niya magagawang lutuin ang ibon, kalaunan dahil sa kagutuman ay nagawa niyang kainin ng hilaw ang hayop na nakita niya.
Hanggang sa nakarating siya sa isang maliit na village sa remote area na yun. Nakita niyang may mga tanim doon na mga gulay at prutas pero hindi niya kayang magnakaw dahil sa panguusig ng kanyang konsensya. Pero ilang minuto ang nakalipas ay nagawa niyang kumuha ng kaunting bunga ng mga tanim nang walang nakakakita, doon nakakuha siya ng kamatis, patatas at cucumber, dahil sa 10 araw na siyang walang kain kaya niya nagawa yun. Umalis siya at bumalik sa gubat, araw araw ay naghahanap siya ng maayos na lugar para maisetup ang tent niya. 2-3buwang nakalipas ay nakakuha na din siya ng ligtas na pwesto.
Gamit ang ilang bato na pabigat at tali ay sinabit niya ang tent niya sa sanga ng puno at dito nanirahan sa loob ng 27 na taon!
Pero hindi kailanman natuto si Christopher kung paano mag hunt ng pagkain, kaya kinakailangan niyang magnakaw ng pagkain sa mga bahay sa village na malapit sa kanya.
Bago niya simulan ang krimen ay pinagaaralan muna niya ang kilos ng may ari ng bahay, inaalam niya kung anong oras sila umaalis ng bahay at mawawalan ng tao dito. May mga ilang bahay sa lugar na umaalis ang mayari twing weekend dahil pumupunta sa siyudad. at yun ang pinapasok niya. Kumukuha siya ng mga canned goods, batteries para gumana ang radio niya at ilang cylinders para sa pagluluto ng pagkain.
Sa loob ng 27 taon ay hindi niya nagawang magsunog sa gubat sa takot na baka may makakita ng usok at matunton ang lokasyon niya. Iniiwasan din niya ang mga airplane at helicopters na dumadaan kaya pra hindi mpansin ang kanyang tirahan ay tinatakpan niya ng mga dahon at mga putik ang mga makintab na bagay para hindi ito makagawa ng anomang reflection ng sikat ng araw.
Binubuksan niya ang mga pinto ng ilang bahay gamit ang mga tools na nadala pa niya mula sa trabaho niya at sinasara ulit ang bintana at pinto kung paano ang pwesto nito nang madatnan nya. Iniiwasan din niya ang mga camera na nakainstall sa mga bahay para hindi siya mahagip nito. kung minsan ay inaalis pa niya ang sd card ng camera kung aksidenteng nakunan siya nito.
Ilang taon pa ang nakalipas ay sinabi ng mga otoridad na ang magnanakaw na ito ay may pambihirang skills para hindi siya mahuli at dahil na nga sa paraan niya ng pagtakas,
Kalaunan ay napansin ng mga tao na ang ninanakaw lang niya ay puro sa pagkain lang, wala nang iba. Wala siyang sinaktang tao kahit kailan. Kaya nagpasiya sila na bilhan siya ng groceries at iwan ito sa pintuan ng kanilang bahay.
Nang malaman ito ni Christopher ay nalungkot siya at nakonsensya sa mga nagawa niya.
April 4, 2013 ay nahuli si Christopher ng isang local Forest Ranger na si Terry Hughes. Matagal na niyang hinuhunting ang magnanakaw kaya nag install siya ng mga camera na may motion sensor sa iba't ibang lokasyon para mahuli si Chritopher. Dito nakunan pa sa camera ang mga aktong kumukuha siya ng mga pagkain sa pinto ng mga bahay na nagsilbing ebidensya.
Humarap sa maraming kaso ng pagnanakaw ang bida natin pero mababa ang pinataw na parusa kay Chrisotpher, tanging 7 months lang sa kulungan, at maliit na halaga ng multa. Dahil ayon sa judge, nagnanakaw lang naman si Christopher para mabuhay at wala na itong choice kaya niya ito nagagawa.
Matapos ng pagkakabilanggo ay dumaan siya sa tatlong taong rehabilitation.
Maraming journalist ang kumausap kay Christopher, gusto nilang malaman ang kwento niya at kung paano siya nakasurvive ng 27 na taon sa kagubatan ng magisa lang. Pero pinagbigyan niya sila ng isang interview lamang.
Nang tanungin siya ay hindi niya rin alam ang dahilan kung bakit siya umalis, ang tanging alam niya ay lagi niya itong naiisip, hindi niya alam kung bakit ba.
Wala siyang kaibigan, kasintahan at hirap siya makisama sa mraming mga tao. Kaya umalis siya at naghanap ng lugar kung saan makakaiwas siya sa mga tao.