10 Pagkaing makakapaglinis ng iyong katawan
Ang ating katawan ay nangangailangan ng natural boost, isang bagay na magiimprove ng functions ng ating katawan.
Ito ay maaaring mangyari sa pamamagitan ng natural na paglilinis ng katawan o cleansing.
Upang maalis ang lahat ng toxic substances sa ating katawan. Ang katawan ay may natural na paraan ng pagaalis ng toxins sa pamamagitan ng liver, pagihi, pagpapawis, at pagdumi.
May pagkakaiba ang cleansing sa detox.
Ang detox diet ay pagalis ng mga unhealthy foods sa diet at pag focus sa pagkaing may detoxifying properties.
Habang ang cleansing naman ay pagalis ng unhealthy foods at pagconcentrate sa pagkain ng healthy foods.
Ipapakita sa post na ito ang 10 pagkaing mahusay na body cleanser na maaari mong kainin.
1. Lemons
Ang Lemon ay may kakayahang idetoxify ang katawan at palakasin ang immune system dahil sa siksik ito ng Vitamin C, at iba pang antioxidants. Kaya din nitong i-improve ang pagfunction ng liver at gallbladder, upang magkaroon ng maayos na digestive process.
Ang isang baso ng mainit na tubig na may lemon sa umaga ay kayang gumawa ng milagro sa iyong katawan.
2. Parsley
Ito ay may anti-inflammatory components at may mataas na level ng antioxidants at flavonoids na naglilinis sa kidneys, liver, at gastrointestinal tract.
3. Kamatis
Ang kamatis ay mayaman sa vitamin C at iba ang mga nutrients. Ang kamatis ay nagiimprove ng kalusugan ng tao at mayaman din sa lycopene, isangpotent na antioxidant na kailangan upang makaiwas sa free radical damage at pagcleanse ng katawan ng tao.
4. Sibuyas
Nilulunasan ng sibuyas ang nasal congestions, indigestion, asthma, at blood toxicity.
5. Grapes o Ubas
Ang mga ubas ay siksik sa antioxidants na tumutulong sa digestion, at pagimprove ng function ng liver, paglinis ng dugo at tissues, pagregulate ng cholesterol levels.
6. Asparagus
Nililinis ng asparagus ang katawan sa pamamagitan ng pagihi at pagsupply ng di mabilang na mga importanteng nutrients.
7. Pomegranate
Ang pomegranate ay mayaman din sa vitamins, antioxidants, at fiber, kaya tumutulong sa pagiwas sa free radical damage, paglunas sa diarrhea, pagcleanse ng katawan, at pagprotekta sa maraming mga sakit.
8. Apples o Mansanas
Ang apple ay mayaman sa fiber, na magagamit para sa maayos na digestion, pagiwas sa nasa sa pagkain o cravings, paglinis ng dugo, regulate cholesterol, a pagimprove ng psychological health.
9. Artichoke
Tumutulong ang artichoke sa digestion, pagcleanse, at pagmaintain ng functions ng liver.
10. Celery
Nililinis ng celery ang katawan ng tao mula sa dumi hanggang sa pamumuo ng toxic sa katawan.
Mahusay din ang celery para sa digestion at blood circulation.